^

Probinsiya

2 rebelde patay sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 rebelde patay sa engkuwentro
Ayon kay Brig. Gen. Franco Nemesio Gacal, Commander ng 403rd Infantry Brigade ng Philippine Army, dakong alas-7:20 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng 23rd Infantry Battalion ng PA ang isang grupo ng mga rebelde sa nabanggit na lugar.

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang na­pas­lang habang nakubkob din ang kuta ng mga kalaban matapos na makasagupa ng tropa ng pamahalaan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Abunda, Magsaysay, Misamis Oriental nitong Martes.

Ayon kay Brig. Gen. Franco Nemesio Gacal, Commander ng 403rd Infantry Brigade ng Philippine Army,  dakong alas-7:20 ng umaga  nang makasagupa ng tropa ng 23rd Infantry Battalion ng PA ang isang grupo ng mga rebelde sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Gacal na nasa 60 rebelde ang nakaengkuwentro ng kanilang tropa sa inilunsad na security operations.

Nabatid sa opisyal na ang naturang grupo ng mga rebelde ay sangkot sa talamak na pangongotong sa mga residente sa barangay kaya nagsagawa ng security operations ang mga sundalo hanggang masabat ang mga rebelde na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay napaslang ang dalawang rebelde na ina­bandona ng mga nagsitakas nilang mga kasamahan.

Narekober naman sa lu­gar ang isang AK 47 assault rifle, 12 backpacks at mga subersibong dokumento na pag-aari ng komunistang kilusan.

Sa nasabing bakbakan ay nakubkob din ng tropa ng militar ang kampo ng mga rebelde.   

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

REBELDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with