^

Probinsiya

Tulak ng droga tinodas sa harap ng tindahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang 37-taong gulang na lalaki na sinasabing ‘tulak’ ng droga matapos na siya ay pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang salarin habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng isang tindahan sa Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi. Nagawa pang isugod sa Mission Hospital sa Pasig City ang biktimang si Eduardo Bociron, 37, ng 60 Hugo Compound, Barangay Sta. Lucia, Pasig City ngunit nasawi rin bunsod ng tama ng bala sa ulo.

Sa imbestigasyon ng Cainta Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Dulong Parola, sa Barangay San Andres, sa Cainta. Nakatayo ang biktima malapit sa Yuki store nang lapitan ng naglalakad na salarin at kaagad na binaril sa ulo bago naglalakad lamang din na tumakas, patungo sa Barangay San Andres.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with