^

Probinsiya

4 mag-aama na ‘gun-for-hire’ timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 mag-aama na  �gun-for-hire� timbog
Arestado ang sinasabing lider ng notoryus na organized crime group na “Padilla Largo” na sangkot sa “gun-for-hire” na si Rudy Padilla at tatlong anak niyang sina Rudy Jr., Michael at Crisanto matapos ang isinagawang raid ng pulisya sa kanilang hideout sa Baras, Rizal kamakalawa.
(Kuha ni Ed Amoroso)

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang na­bu­wag na ng mga awto­ridad ang kilabot na “Padilla Largo Organized Crime Group”  na nag-o-operate sa Pangasinan, matapos na madakip ang apat na mag-aamang miyembro nito sa pagsalakay sa kanilang hideout sa Baras, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ni PRO4 Regional Director P/Chief Supt. Edward Carranza ang mga suspek na sina Rudy Boquerin Padilla Sr., 73, driver, itinuturing na No. 2 Most Wanted Person (MWP) sa Pangasinan dahil sa kasong pagpatay; at kanyang mga anak na pawang caretaker na sina Rudy Diaz Padilla Jr., 36, No. 3 MWP sa Pangasinan dahil sa kasong frustrated murder; Michael Diaz Padilla, 29, na may kaso ring murder; at Crisanto Diaz Padilla, 31, na nahaharap rin sa kasong pagpatay.

Ang mag-aama ay tubong Lucao District, Dagupan City, Pangasinan, at kasalukuyang nagtatago lamang sa Sitio Galaxy B sa Brgy. Pinugay dahil sa mga kasong kriminal na kinakaharap sa kanilang lalawigan. 

Batay sa ulat ng Ba­ras Municipal Police Station (MPS), lumilitaw na ang mag-aama ay naaresto dakong alas-7:30 ng umaga kamakalawa sa Sitio Galaxy B, sa Barangay Pinugay, Baras, ng pinagsanib na puwersa ng 404th A Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A (Lead Unit), Force Commander, RMFB 4A; Dagupan City Police Station at Baras MPS.

Nauna rito, nakatang­gap ng tip ang mga awto­ridad mula sa isang concerned citizen na may isang lalaki sa kanilang lugar ang namataang pagala-gala na may bitbit na armas kaya kaagad na isinagawa ang pagsalakay na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang isang 12 gauge chamber proof tested (Shotgun) na may apat na bala, isang kalibre .45 Armscor high cap na may isang magazine na may 11-bala; at isang .9mm caliber pistol (Beretta) na may magazine na loaded ng 15-bala.    

vuukle comment

PADILLA LARGO ORGANIZED CRIME GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with