^

Probinsiya

Karahasan sa Panabo City pinatutuldukan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga mamamahayag at socio-civic organization para tuligsain ang sunod-sunod na pagpatay sa Davao del Norte, kabilang na ang ginawang pana­nambang sa editor-publicist ng lokal na pahayagan at sa ilang political elders ng probinsya.

Sigaw ng raliyista,  mabilis na solusyunan ang mga pagpatay para makamit ng pamilya ng mga biktima at kamag-anak ang kataru­ngan at matuldukan na ang krimen.

Ang pinakahuling biktima ng karahasan ay si Dennis Denora, 67, na tinamba­ngan ng riding-in-tandem sa Panabo City na ayon sa imbestigasyon ng pulisya ay may kinalaman sa kanyang trabaho bilang isang hard-hitting mediaman.

Nauna rito, itinumba ang konsehal ng Brgy. La Paz sa Carmen na si Santos Samoranos, 65.

Ayon sa mga nagpopro­testa, karamihan sa mga biktima ng pagpatay ay mga matatanda na walang kalaban-laban at pareho ang mga estilo ng suspek sa pamamaril at paggamit ng motorsiklo sa pagtakas.

vuukle comment

SOCIO-CIVIC ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with