^

Probinsiya

Pastor salpok sa kalabaw, tigok!

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pastor ang nasawi nang sumalpok ang kanyang sasakyan sa biglang sumulpot na kalabaw sa dinaraanan nito sa Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX), sakop ng Floridablanca, Pampanga, iniulat kahapon.

Sinubukan pang maisugod sa Romana Pangan District Hospital ang biktimang si Pastor Lucio Fuerte Miranda, 68-anyos, ng I Care Fellowship, ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw habang binabagtas ng pastor ang SCTEX patungong Subic nang mabulaga sa kanya ang biglang pagsulpot ng isang kalabaw sa kanyang daraanan na hindi na nito naiwasan hanggang sa mabangga.

Dahil sa tindi ng pagkakasalpok, namatay din ang kalabaw sa insidente. Si Pastor Miranda ay sinabing spiritual adviser ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino na nagpahayag ngayon ng pagdududa sa kaligtasan ng mga biyahero sa SCTEX. Kinuwestyon ni Mayor Paulino ang pagkakaroon ng kalabaw sa expressway na dapat ay ligtas para sa mga motoristang dumaraan.

vuukle comment

PASTOR LUCIO FUERTE MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with