Mag-utol dedo sa road mishap
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang dalawang lalaki na magkapatid sa nangyaring aksidente sa Crossing Solomon, Purok Bonifacio, Barangay Panay sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang magkapatid na sina JV Aguilar, 21-anyos at Joshua Aguilar, 16-anyos. Sa ulat kay P/Inspector Diogenes Hare, officer-in-charge ng Sto. Niño Municipal Police Station, nakasakay sa topdown ang magkapatid na nag-overtake sa sasakyan na nasa kanilang unahan at nawalan ng kontrol kung saan sumalpok ito sa wing van truck na nasa kabilang lane.

Tumilapon ang magkapatid sa palayan na nasa gilid ng kalsada at agad binawian ng buhay dahil sa matitinding mga sugat na tinamo sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with