Intel officer ng militar, nilikida
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines  —  Dead-on-the-spot ang isang intelligence officer ng 18th Infantry Battalion, Philippine Army makaraang ratratin ng isang di pa nakikilalang gunman sa Sitio Bekew sa Barangay Baguindan, Tipo-Tipo, Basilan, ayon sa ulat kamakalawa.  Ayon kay Lieutenant Colonel Ivan San Jose, commanding officer ng 18th Infantry Battalion, kinilala ang nasawi na si Staff Sergeant Dennis Alam na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. 

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang pauwi na sa kanyang tahanan ang biktima nang pagbabarilin ng gunman.  Patay noon din ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso habang pinaniniwalaan na posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo sa pamamaslang.

DEAD-ON-THE-SPOT PHILIPPINE ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with