Karambola ng 3 sasakyan: Dalaga durog, 3 sugatan
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Isang 26-anyos na dalaga ang nasawi habang sugatan ang tatlo pang kasamahang pasahero matapos na mabangga ng van ang kanilang sinasakyang tricycle habang bumabagtas sa panulukan ng Koronadal Proper Road, Brgy. Crossing Palkan, Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng Polomolok Police na pinamumunuan ni P/Chief Inspector Alex Joe Orcajada ang nasawi na si Jinky Manatod, 26, at nakatira sa Brgy. Aflek, T’boli, South Cotabato na dead-on-arrival sa Polomolok Hospital bunsod ng tinamong matinding sugat sa katawan.

Sugatan din sa insidente ang mga kapwa pasahero sa tricycle na sina Olivia Manatod kasama ang 4-anyos na bata at driver nitong si Tonton Manatod, 29 anyos.

Sa ulat,  aksidenteng nabangga ng nakasunod na Toyota Hi-Ace van na pag-aari ng city government ng Cotabato sa tricycle na sinasakyan ng mga biktima nang bigla umanong huminto habang pumipihit sa kaliwang bahagi ng highway papuntang Koronadal Proper, Bgry. Crossing Palkan dakong alas-3:50 ng hapon kamakalawa.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng van na galing sa General Santos City papuntang Koronadal sa tricycle, natumbok din ang paparating na kotseng Honda fit na minamaneho ni Alpe Dacayo, 34, ng Brgy. Cebuano, Tupi.

SOUTH COTABATO ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with