Tropa ni Kap niratrat: 1 patay, 3 sugatan
Rhoderick ­Beñez, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa katao ang nasawi habang sugatan ang isang nagwaging barangay chairman at dalawang  kagawad matapos silang tambangan at pagbabarilin sa kahabaan ng highway ng Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato  nitong Lunes ng tanghali.

Sa ulat, kinilala ni North Cotabato Police Spokesman  Supt. Bernard Tayong  ang nasawing biktma na si Ranulfo “Bobong” Lisundra Bautista, anak ng kapitan at driver ng Bongo pickup na kanilang sinasakyan.

 Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga sugatan na sina Santos Bautista, 61, bagong panalong chairman o kapitan at mga kagawad nito na sina Robin Salvador at Roberto Midsapak pawang sa Brgy. Takepan sa nasabing bayan.

Sa ulat, bandang alas-11:20 ng tanghali habang lulan ang grupo ni kapitan ng Bongo pickup galing gymnasium ng Brgy. Batulawan, Pikit nang pagsapit nila sa harapan ng Pauro Mangkap Hardware sa Brgy. Batulawan, Pikit ay tinambangan sila ng di kilalang lalaki. Sila ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kung saan nasawi sa insidente ang anak ni Santos.    

BARANGAY CHAIRMAN PAGBABARILIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with