Sanggol, 3 pa dedo sa salpukan
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Apat katao kabilang ang isang 5-buwang sanggol  na dadalo sana sa isang lamay ang ngayo’y pinaglalamayan habang 11 pasahero pa ang sugatan matapos na salpukin ng truck ang kanilang sinasakyang multicab habang bumabagtas sa Brgy. Maluko, Manolo Fortich, Bukidnon kamakalawa.

Agad na nasawi sa lugar ang mga biktima na inaalam ang mga pangalan kabilang na ang driver ng multicab na si Otelo Sadicon habang nilalapatan naman ng lunas sa Bukidnon Provincial Hospital ang mga nasugatan sa aksidente.

Batay sa ulat, ang multicab ay nagmula sa Maramag, Bukidnon at papunta na sana sa Balingoan, Misamis Oriental para mag-vigil nang mangyari ang aksidente. Sinasabing mabilis ang takbo ng multicab at sinubukan ng driver na mag-overtake nang sumalpok sa kasalubong na forward truck.

Sumuko sa pulisya ang naturang driver ng forward truck, kinagabihan.    

SALPUKIN NG TRUCK SUGATAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with