^

Probinsiya

SUV vs pick-up: 5 patay, 3 malubha

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Lima katao ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan sa salpukan ng isang pick-up at SUV na bumangga sa puno sa Maharlika Highway, Brgy. San Pedro, Alegria, Surigao del Norte, Biyerne s ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joe Basil Viray, John Bryle Viray, Max Bayotas, Donnafel Lagurin at Joseph Arbis habang nananatiling nasa kritikal na kondisyon sina Yul Arbis, Yul Adrian Arbis at Rusty Bayotas.

Ayon kay C/Insp. Juan Belarmino ng Alegria Municipal Police Station, matulin umano ang takbo ng dalawang sasakyan na nakabuntot sa isang bus nang bigla na lang mag-overtake ang Isuzu D-Max at nasagi nito ang sinusundang Mitsubishi Fuzion. Matindi ang pagkakayupi sa harapang bahagi ng Mitsubishi na may sakay na pitong katao kasama na ang limang nasawi matapos na bumangga pa ito sa puno ng mangga habang sumemplang at nahulog naman sa bangin ang Isuzu D-Max na muntik pang maararo ang isang bahay kung saan ito nahulog.

Pinagtulungan ng mga residente na ilabas ang pitong pasahero at driver ng SUV dahil ang ilan sa kanila ay naipit. Isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit agad ding binawian ng buhay ang tatlo sa kanila.

Nasa kustodiya na ng Alegria police ang driver ng pick-up na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries.

vuukle comment

SURIGAO DEL NORTE ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with