^

Probinsiya

Bodyguard ni mayor todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isa sa mga miyembro ng security group ng isang alkalde matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin na nakasakay sa motorsiklo sa Brgy. Sta. Rosa, Mulanay, Quezon nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Calabarzon Police Dir. P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang biktima na si Ruben Subia,  60, isa sa mga bodyguard ni Mulanay Mayor Tito Ojeda at empleyado rin sa Mulanay Municipal Hall.

Sa ulat, bandang alas-5:10 ng umaga habang lulan ng kanyang kulay itim at asul na GD motorcycle (DC 27621) si Subia at pauwi na sa kanilang tahanan nang siya ay harangin at pagbabarilin ng isang ri­der na nakasuot ng helmet at kulay kayumangging jacket. Tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Catanauan, Quezon at narekober sa crime scene ang 13 piraso ng bala ng cal. 9mm.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso na pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika ang motibo.

vuukle comment

CALABARZON POLICE DIR. P/CHIEF SUPT. GUILLERMO LORENZO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with