^

Probinsiya

Nene hinalay ng lolo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, QUEZON, Philippines — Maagang napariwara ang kinabukasan ng isang 8-anyos na paslit makaraang halayin ng kapitbahay na 60 anyos at sinuhulan pa ng barya kamakalawa ng hapon. 

Arestado at sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na kinilala lang bilang si “Lolo Cardo” habang sumasailalim sa counseling ang biktimang itinago sa pangalang “Irene”. 

Batay sa imbestigasyon ng Atimonan PNP Womens and Childrens Desk Section, dakong alas-12:30 ng tanghali ay bumibili ng yelo ang paslit sa bahay ng suspek at doon ay pinapasok ito sa kuwarto. 

Hinubaran umano ng suspek ang bata saka pinagsamantalahan at pagkatapos ay tinakot na huwag magsusumbong at binigyan ng tatlong piso na pambili umano ng kendi. 

Gayunman nang makauwi sa kanilang bahay ay ikinuwento ng biktima sa kanyang ina ang ginawa ng suspek kung kaya ipinaaresto ito sa mga otoridad.

vuukle comment

YOUNG GIRL RAPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with