‘Tulak’ utas sa buy-bust
Cavite, Philippines — Tumimbuwang ang isang karpintero na sinasabing kilabot na tulak ng shabu matapos itong manlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Tanza, Cavite kahapon ng madaling araw.
Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Donato Masicap, 50-anyos, may asawa, at residente ng Brgy Paradahan 1, ng naturang lalawigan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation laban sa suspek.
Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng halagang P300.00 na shabu sa suspek.
Subalit agad itong nakatunog na pulis ang kanyang katransaksiyon kung kaya tumakbo ito papasok ng kanyang bahay at kinuha ang kanyang baril at nakipagbarilan sa pulisya.
Walang buhay itong bumulagta at nakuha rito ang baril na ginamit at mga shabu at paraphernalias.
- Latest