^

Maglolola sinuwag ng SUV: 2 utas, 4 sugatan

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang lola ang nasawi habang malubha ang apat nilang apo matapos silang salpukin ng isang Suzuki SUV habang nakatayong nag-aabang ng taxi sa Camp 4, Kennon Road, Tuba Benguet noong Martes ng umaga. ?

Sa report na ipinamahagi ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police;  dead-on-the-spot ang mga biyudang sina Sioning Pimiliw, 75, at Rosaline Alberto, 71, mga residente ng nasabing lugar.

?Ang mga sugatang apo na isinugod sa Baguio General Hospital ay sina  Clara Alberto Valencia, 17, at Ian Alberto Valencia, 16, kapwa estudyante, at ang mga paslit na sina Aedan Ruvic Viloria, 6, at Sofia Angela Carbonell, 1-anyos.?

Natulala naman ang drayber ng SUV (AJA 5168) na si Bernard Soriano na nakabangga sa mga biktima na kinailangan ding isugod sa parehong pagamutan at nahaharap ngayon sa kaukulang kaso.

BENGUET ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with