^

Probinsiya

Ex-fiscal sa Parojinog case, utas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang dating piskal na humawak ng kaso laban sa maimpluwensyang angkan ng mga Parojinog matapos na tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Ozamiz City, Misamis Occidental nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Supt. Lemuel Gonda, ang biktima na si  Attorney Geronimo Marabe Jr., dating Ozamiz City prosecutor na idineklarang dead-on-arrival sa Faith Hospital.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, habang minamaneho ng dating piskal ang kanyang sasakyan at binabagtas ang kahabaan ng Brgy. 50th District nang hara­ngin at pagbabarilin ng mga salarin na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo. 

 Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Bulalacao, ang biktima ang tumatayong fiscal nang sampahan ng kaso ang maimpluwensyang angkan ni dating Ozamiz City Reynaldo “Aldong“ Parojinog  na nasa “narcolist” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunita na si dating Ozamiz City Mayor Parojinog at 15 iba pa kabilang ang misis nitong si Susan at kapatid na si Misamis Occidental Board member Octavio Parojinog ay napatay sa raid ng mga awtoridad sa kanilang tahanan sa Brgy. San Roque ng lungsod dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Hulyo 30, 2017.

Iniutos na ni PRO-10 Director P/Chief Supt. Timoteo Pacleb ang pagbuo ng Special Investigating Task Group (SITG) sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Marabe. 

vuukle comment

ATTORNEY GERONIMO MARABE JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with