^

Probinsiya

Mag-ama durog sa trak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Patay ang mag-ama kabilang ang isang guro matapos salpukin ng isang trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Alibadbad, San Mariano, Isabela, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jeffrey Gelacio, 31, isang guro at ang ama na si  Romeo Gelacio, 45, kapwa residente ng Brgy. Marannao, nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga habang papauwi ang mag-ama lulan ng isang XRM na motorsiklo na minamaneho ni Jeffrey nang salpukin sila ng kasalubong na Isuzu truck na minamaneho naman ni Ronald Claverio, 31, ng Brgy. Alibadbad,  San Mariano.

Sa lakas ng pagkasalpok, agad na nasawi ang nakababatang Gelacio habang ginagamot sa ospital ang ama nito sa Isabela. Agad namang inaresto ang driver na kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya. 

vuukle comment

ISABELA ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with