^

Probinsiya

Misis, lover pumatay sa OFW na mister, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabuking na ang kanyang sariling misis at lover nito ang “mastermind” sa pagpatay sa isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na masakote ang magkalaguyo sa isinagawang operasyon sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas, ayon sa isang opisyal kahapon.

 Kinilala ni Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga nasakoteng suspek na sina Janet Capalad Teruel, misis ng nasawing OFW na si Danilo Henson Teruel, at ang lover nitong si Roel Guico.

 Ayon kay Eleazar, ang biktimang si Teruel ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalang gun kay an sa mismong tahanan nito sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, ilang oras matapos siyang umuwi sa bansa galing Saudi Arabia noong Mayo 19.

 Bandang alas-8:20 ng gabi noong Mayo 19, matapos na dumating ang mag-asawa sa kanilang tahanan, nang biglang sumulpot ang gunman at pinagbabaril ang target na OFW na napuruhan ng dalawang tama ng bala sa ulo at idineklarang dead-on-arrival sa Villa Memorial Hospital.

 Sa isinagawang masusing imbestigasyon sa kaso na iniutos ni Sr. Supt. Edwin Quilates sa Lipa City Police, sina Janet at lover nitong si Guico at isa nilang kaibigan ang sumundo sa biktima sa paliparan matapos na dumating sa bansa.

Nauna umano si Guico sa mag-asawa sa pag-uwi kung saan ay hinihinalang kinontak na nito ang gunman para ipaalam na dumating na ang target na OFW na mister ng ginang at dito isinagawa ang krimen.

vuukle comment

OFW HUSBAND DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with