^

Probinsiya

2 tigok, 2 sugatan sa kidlat

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan matapos silang tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na lugar sa La Union at Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina  Jonaly Damalen, 25, caretaker ng isang palaisdaan, nakatira sa Brgy. Baybay Norte, Sual, Pangasinan at Arnold Lucero Jr., 16, ng Brgy. Parian Oeste, Bauang, La Union.

Sugatan naman sina Daisy Joy Campus, 29, at Willy Tejada, 32, kapwa ng Brgy. Parian Oeste sa Bauang.

Sa ulat, bandang hapon habang nagpapakain si Damalen ng mga alagang bangus sa isang fish cage sa Brgy. Baquioen, Sual kasama ang nakababatang kapatid nang tamaan siya ng kidlat.

Sa hiwalay na insidente, nasawi rin si Lucero nang tamaan ng kidlat habang nasa ilog kasama sina Campus at Tejada. Agad na nasawi si Lucero sa lugar habang ginagamot sa ospital ang dalawa pang kasamahan.

vuukle comment

HIT BY LIGHTNING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with