^

Probinsiya

Trike salpok sa poste: 1 patay, 4 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 50- anyos na lalaki habang malubhang nasugatan ang apat na miyembro ng kanyang pamilya kabilang ang dalawang paslit makaraang bumangga sa poste ng kuryente ang kanilang sinasakyang tricycle sa Maharlika Highway sakop ng Brgy. Gibanga, ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang namatay sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan na si Emiliano Rosales habang nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center sa Lucena City sina Noriel Rosales, 30, mga anak na sina John, 8 at Baby, 5; at Melchor Rosales, 48, pawang ng Tayabas City.

Ayon sa ulat, galing sa barangay fiesta sa Tumbaga 1 ang nasabing pamilya at pauwi na sa Tayabas City lulan ng TMX tricycle na minaneho ng lasing na si Noriel. Habang binabagtas nila ang highway dakong alas-7:10 ng gabi nang mawalan ng kontrol sa manibela si Noriel dahil sa kalasingan kung kaya bumangga ang sidecar sa poste na nasa gilid ng highway.

vuukle comment

QUEZON ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with