^

Probinsiya

Bahay ng pulis nasunog: 4 patay, 4 sugatan

Rhoderick ­Beñez, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi habang apat pa ang malubhang nasugatan matapos na masunog ang bahay ng isang pulis kahapon ng umaga sa Lapaz, Iloilo City. 

Kabilang sa mga nasawi sina Elvira Avelino, 64, biyuda, Evangeline Gerafusco, 40, Richard Gerafusco, 15 at Ma. Cristina Dolente, 75 anyos; pawang residente ng Brgy. San Isidro, Lapaz ng nasabing lalawigan. 

Ginagamot naman sa St. Paul’s hospital sanhi ng mga tinamong paso sa katawan sina Jim Carlo Avelino,  8-anyos,  Salvador James Avelino, 9-anyos,  Carla Avelino, 38 at isa pang residente. 

Sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-4 ng umaga nang maganap ang insidente sa bahay ni SP02 Richard Gerafusco na nagresulta sa pagkasawi ng kanyang asawa,  anak at dalawa pa.

Sa imbestigasyon ng  Bureau of Fire Protection (BFP), bigla na lamang umanong sumiklab ang apoy sa bahay ng mga Gerafusco at mabilis itong kumalat sa buong kabahayanan. Na-trap ang mga biktima dahil sa bakal na bintana ng kanilang bahay.

Tumagal ng halos 30 minuto ang sunog bago tuluyan itong naapula.

Iniimbestigahan na kung ano ang sanhi ng nasabing sunog.

NASUGATAN

PULIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with