SUV salpok sa puno: 4 pisak, 3 kritikal
Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Apat katao ang nasawi habang tatlo pa ang kritikal matapos sumalpok ang sinasakyan nilang SUV sa isang punongkahoy sa tabi ng kalsada sa Barangay Calayan, Gonzaga, Cagayan noong Sabado.?

Idineklarang patay sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital ang drayber ng Isuzu MU-X na si Nikolo Aquino, 24, at mga sakay nito na sina Nicole Keziah Nuega, Jing Baquiran at anak na dalagita na si Victoria Louis Baquiran; kapwa residente sa lungsod na ito. ?

Nasa malubhang kalaga­yan naman sina Almond Baquiran, Joshua De Guzman at Shela Mapala.?

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na galing sa isang outing sa Sta. Ana ang mga biktima nang maantok si Aquino sa pagmamaneho at sinalpok ng sasakyan nito ang isang puno sa tabi ng kalsada dakong alas-3:00 ng hapon. ?Sa lakas ng salpok,  tumaob at parang pinitpit na lata ng sardinas ang sasak­yan kung kaya’t nahirapang hugutin ng mga sumaklolo ang mga biktimang napisak sa loob.?

NASAWI SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with