^

Probinsiya

P.2-M cocaine nalambat ng mangingisda

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City  , Philippines  — Aabot sa mahigit P.2 milyong halaga ng high grade cocaine na nakasilid sa isang plastic ang nalambat ng isang mangingisda sa karagatan ng Perez, Quezon kamakalawa.

Ayon kay Quezon PNP Director P/SSupt. Armamento, nangingisda sa karagatan ng Perez, Quezon dakong alas-5:30 ng umaga si Rogelio Olveda nang makatawag nang pansin sa kanya ang nalambat na isang plastic na naglalaman ng pu­ting subs­tance kung kaya ibi­nigay niya ito sa kasamahang mangingisda na itinapon naman sa karagatang sakop ng Gumaca, Quezon.

Pagsapit sa pampang ay ipinagbigay-alam nila sa mga awtoridad ang nalambat at itinapong epek­tos. Dahil sa hinalang bahagi iyon ng P162 mil­yong cocaine na nakuha noong isang linggo sa sea boundary ng Perez at Camarines Sur ay sama-samang tinunton ang lugar na pinagtapunan at nang marekober ang droga ay itinurn-over ito sa Quezon Police Crime Laboratory.

Sa inisyal na pagtataya, tumitimbang ng 39.25 gramo ang nakuhang iligal na droga na may street value na P235,500.

HIGH GRADE COCAINE

MANGINGISDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with