^

Probinsiya

Motor vs truck: Parak nahati ang katawan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines  — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aktibong pulis na nahati pa ang katawan matapos na tumbukin ang sasakyan nito ng dambuhalang trailer truck habang binabagtas ang kalsada ng Brgy. Anyatam sa bayan ng San Ildefonso, Biyernes ng umaga.

Nadurog ang bungo at nahati ang isang bahagi ng katawan na nagresulta ng kamatayan ng biktimang si SPO2 Edgardo Areglo, 50, residente ng Brgy. San Isidro,Cabanatuan sa Nueva Ecija at nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG) na nasa Camp Rafael Crame sa Quezon City.

Kaagad namang inaresto ang drayber na suspek na si Segismundo Tambuan, 56, ng Brgy. Bayo sa Iguig, Cagayan saka sinampahan ng kaukulang kaso sa Prosecutor’s Office sa Malolos City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Sayco, dakong alas-5:20 ng umaga habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Anyatam lulan ng pag-aaring motorsiklong Honda 125 (BD-2103) patungo sa direksyon ng Manila habang nasa likuran naman nito ang Isuzu Tractor head trailer truck (CRS-558) na minamaneho ng suspek na patungo rin sa kapareho ring direksyon nang pagsapit sa lugar ay biglang tinumbok ng trailer truck ang likurang bahagi ng motorsiklo ng biktima na naging dahilan upang tumilapon ng may 10 metro saka nasagasaan ng truck. Nahati nahati ang katawan ng biktima na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Pinaniniwalaang nakatulog sa pagmamaneho ang suspek sanhi upang mabundol ang sasakyan ng biktima.

POLICE SECURITY AND PROTECTION GROUP

TRAILER TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with