^

Probinsiya

Utol inutas ng kuya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 30-anyos na magsasaka matapos tarakan ng itak sa dibdib ng kanyang kuya sa gitna nang mainitan nilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Bagong Baryo, Brgy. Tubli, Caramoran, Catanduanes, kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din matapos mapuruhan ng saksak sa kaliwang dibdib ang biktimang si Rollie Panza habang sumuko naman ang suspek na nakatatandang kapatid na si Felipe Panza,40.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay nag iinuman ang magkapatid at nang malasing ay  nagkaroon nang pagtatalo.

Sa kalagitnaan nang pagtatalo ay kumuha ng itak sa kusina si Rollie, pero naagaw ni Felipe at saka itinago sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

Subalit, patuloy umano ang pag-atake ni Rollie sa kanyang kuya kaya’t napilitan na kunin ang itak at itinarak sa dibdib ng una na agad namatay.

vuukle comment

FARMER STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with