^

Probinsiya

Ex-pdea, 4 tulak utas sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang pinaghihinalaang notoryus na drug pushers kabilang ang isang da­ting ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang napaslang ma­tapos kumasa sa mga ope­ratiba ng pulisya sa naganap na magkakahiwalay na shootout sa lungsod ng San Pablo at Calamba;Laguna nitong Miyerkules.

Sinabi ng bagong tala­gang si Police Regional  Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar na isa sa tatlong mga napatay na suspek ay si Reynaldo Dante, dating PDEA agent sa lalawigan ng Laguna na nag-AWOL (Absence Without Official Leave) matapos na masangkot sa illegal na aktibidades. 

Ang PRO-IV A ay sumasaklaw sa lalawigan ng  Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON ).

Bandang alas-5 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Sto. Angel, San Pablo City  pero pumalag ang mga target na sina Dante, usher na si Wilbert Sardido at isang hindi pa nakilalang tulak na nauwi sa shootout ng mag­kabilang panig.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok ay napaslang sina Dante,Sardido at isa pa nilang kasamahang drug pusher habang narekober naman sa encounter site ang tatlong cal. 45 pistol, pitong sachet ng shabu at P2,000 na hinihinalang pinagbentahan ng mga ito sa droga.

Inihayag naman ni Sr. Supt. John Kirby Kraft, Acting Provincial Director ng Laguna Police, sa isa pang insidente ay   nauwi sa palitan ng putok ang buy bust operation sa Brgy. Pansol, Calamba City dakong alas-2:30 ng madaling araw na kung saan ay napatay ang suspek na sina Christopher Gonce, alyas Boy at isang hindi pa nakilalang drug pusher.

Narekober sa lugar ang isang 38 caliber revolver at  isang M203 grenade launcher, 13 sachets ng shabu, 11 cartridge ng  naturang mga armas at mga bala.

vuukle comment

DRUG PUSHERS

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with