^

Probinsiya

Drug ops:1 tigok, 3 sumuko

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na sangkot sa droga habang tatlo ang sumuko sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga sa mga bayan ng  Talavera, Cabiao at San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa bayan ng Talavera,isang Eddie Esquivel naninirahan sa Barangay Maestrong Kikay ang napatay sa isang buy-bust operation sa Purok 5 ng Barangay San Pascual, dakong alas-10:50 ng gabi noong Lunes.

Kinabukasan ay naaresto ng pulisya ang isang Eugenio Hernandez, alyas Eugene, 42, binata, at magsasaka, ng Barangay Bugtong na Buli, Talavera at nakuha ang 2 plastic sachet ng hinihinalang shabu at  P500 bill na marked money.

Sa bayan ng Cabiao, isang Mark Anthony Bato, 28,ng Purok 9, Brgy San Vicente ang naaresto sa buy bust operation.Narekober ang 1 sachet ng shabu at isang cellphone.Habang sa San Leonardo, isang Mark Jason Catabas, 32, driver at may-asawa ng Brgy. Ibabao-Bana, Cabanatuan City ang naaresto rin.

vuukle comment

DROGA

PULISYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with