^

Probinsiya

5-million cocaine nalambat sa dagat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay  , Philippines  —  Aabot sa 5-milyong piso sa street value o mahigit isang kilong high grade cocaine ang nalambat ng isang mangingisda sa karagatang sakop ng Calaguas Island sa bayan ng Vinzons, Cam Norte noong Biyernes ng madaling-araw.

Sa ulat kahapon ng Vinzons Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw habang lulan ng FB Briyana at nangingisda si Noel Feraman Solver, 50 anyos, residente ng Purok 7, Brgy. Mampili sa bayan ng Basud nang mapansin nito ang palutang-lutang na isang pakete sa dagat.  Agad niya itong kinuha at iniuwi makaraan ang ilang araw ng pangingisda sa dagat. Gayunman, nagduda ito sa laman ng pakete kaya dinala sa police station at isinuko.

Sa ginawang laboratory test ng PNP Crime Laboratory sa loob ng Camp Gen. Ola na nakabase sa lunsod na ito lumalabas na high grade cocaine ang laman at tumitimbang nang mahigit isang kilo o 1,030.37 grams ang nasa loob ng pakete na pareho ng markings ng mga naunang nalambat na droga sa karagatan ng Cam Norte, Matnog, Sorsogon at sa iba pang bahagi ng bansa.

Ayon kay Bicol-PDEA regional director Christian Frivaldo,patuloy pa ring hawak ng PNP Crime Lab ang natu­rang cocaine at inaasahan nilang itu-turn over ito sa kanilang opisina.

vuukle comment

HIGH GRADE COCAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with