^

Probinsiya

Military trak bumaligtad: 1 patay, 25 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang sundalo habang 25 pa ang nasugatan  makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang military truck matapos na bumaligtad sa isang lugar sa highway ng Brgy. Mirangan, Siay, Zamboanga Sibugay nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report ni Army’s 1st Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Roseller Murillo, bandang alas-12:00 ng mada­ling araw nang mangyari ang sakuna sa nasabing lugar.

Sinabi ng opisyal na isang sundalo ang nasawi sa natu­rang insidente pero tumanggi muna itong tukuyin ang pa­ngalan ng nasabing sundalo dahilan sa kailangan pang impormahan ang pamilya nito.

Nabatid na sa 25 nasu­gatan ay 20 ang mga sundalo at lima naman ang mga sibil­yan na mula sa pamilya ng ilang sundalo na lulan ng trak.

Ayon kay Murillo, ang nasabing mga sundalo ay mula sa Army’s 35th Infantry Battalion (IB) galing sa lalawigan ng Sulu at patungo sa Brgy. Pulacan, Labangan, Zamboanga del Sur para lumahok sa Squad Challenge ng hukbong katihan nang mangyari ang insidente.

Lumilitaw naman sa pagsisiyasat na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver upang mangyari ang sakuna.

vuukle comment

MILITARY TRUCK ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with