^

Probinsiya

Rider na parak salpok sa trak, dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang pulis matapos na sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa trak na nasiraan sa gitna ng kalsada sa kahabaan ng Gov. JT Fuentebella National Highway sa bahagi ng Brgy. Ayugan sa bayan ng Ocampo, Cam Sur noong Biyernes ng madaling araw. 

Dead-on-arrival sa Ocampo District Hospital ang biktimang kinilalang si PO1 Jhun-Jhun Payno Pastorco, 29-anyos, residente ng Borja St., sa bayan ng Goa, at nakatalaga sa Police Mobile Force Company sa bayan ng Tigaon. 

Sa police report na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-4:00 ng madaling araw, habang binabaybay ng biktima ang naturang highway patungong Naga City nang sumalpok ito sa nasiraang Pensumil Truck sa gitna mismo ng kalsada na minamaneho ni Roberto Hermogenes, 49-anyos, residente ng Brgy. Katalotoan sa bayan ng Sangay.

Ayon sa mga nakasaksi, posibleng hindi napansin ng biktima ang nasiraang trak sa gitna mismo ng kalsada dahil sa walang early warning device. Nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso ang sumukong suspek na driver ng trak.

vuukle comment

CAM SUR ROAD ACCIDENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with