_ngayon
^

Probinsiya

Aktor na si Julio Diaz timbog sa droga

Boy S. Cruz, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Aktor na si Julio Diaz timbog sa droga
Arestado ang aktor na si Julio Diaz o Mariano de Leon sa totoong buhay ng mga pulis ng Meycauyan, Bulacan makaraang isagawa ang buy-bust operation laban sa kanya nitong Biyernes ng madaling araw.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang movie actor na si Julio Diaz at ang driver nito matapos mahulihan ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Meycauayan City, Bulacan nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa report ni Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., Provincial Director ng Bulacan Police, ang actor na si Julio Diaz, Mariano de Leon sa tunay na buhay , 59 anyos, residente ng Villacor Village, Brgy. Langka ng Meycauayan City ay kabilang sa High Value Target sa drug list ng Bulacan Police.

Ayon kay Supt. Santos Mera, officer-in-charge ng Meycauayan City Police, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nang masakote ang actor kasama ang driver nito na si Ronald Gomez alyas “Robin”, 35-anyos, binata, sa buy-bust operation ng Meycauayan Police sa Brgy. Langka ng nasabing lungsod,

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang karagdagang apat na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 12 gramo na may katumbas na halagang P60,000.00, mga drug paraphernalia at P500 buy-bust money.

Bago ito ay isinailalim sa masusing surveillance ope­rations ng mga awtoridad ang aktor na nagresulta sa kaniyang pagkakabitag.

Sinabi ng opisyal na ang mga nasakoteng suspek ay kalaboso na ngayon sa detention cell ng pulisya habang ang nakumpiskang droga mula sa mga ito ay dinala na sa Bulacan Crime Laboratory Office para maisailalim sa kaukulang eksaminasyon.

JULIO DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with