^

Probinsiya

Buntis, 5 pa patay sa amok na mister

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagmistulang isang bahay-katayan ang isang tahanan nang mag-amok ang isang 40-anyos na mister at walang patumanggang pinagtataga hanggang sa mapatay nito ang anim na katao kabilang ang kinakasama nitong 20-anyos na nagdadalang-tao habang tatlo naman ang sugatan sa naganap na masaker sa bayan San Leonardo, Nueva Ecija nitong Biyernes ng mada­ling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na parang mga hayop na kinatay na sina Jennifer Caballero, live-in partner ng suspek; Leonila Caballero, Sonny Custodio, Sergio Caballero, Joshua Caballero, at Abie Caballero. Agad namang tumakas matapos ang madugong pamamaslang sa mga biktima ang suspek na kinilalang si Jessie Tesoro, isang magsasaka at tubong Capas, Tarlac.

Samantalang kabilang naman sa mga nasugatan ay sina Annalyn Caballero at dalawa pang menor-de-edad na patuloy na nilalapatan ng lunas sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City.

Inihayag ni Sr. Inspector Jacqueline Gahid, Spokesperon ng Nueva Ecija Police, nangyari ang krimen habang ang mga biktima ay mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang nire­rentahang apartment sa Brgy.Tambo Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija.

Nabatid na ang mga biktima ay may dalawang linggo pa lamang naninirahan sa lugar.

Samantalang napuna ng kanilang mga kapitbahay ang madalas na pagbabangayan ng mag-live-in partner simula nang lumipat ang mga ito sa naturang apartment.

Sa report, sinabi ni Nueva Ecija Police Provincial Director P/Sr. Supt. Eliseo Tanding na matinding selos at love triangle gayundin ang personal na galit ang tinitingnan nilang motibo sa krimen.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

WIFE STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with