^

Probinsiya

2 NPA terrorists todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng mga rebeldeng  New People’s Army (NPA) ang napaslang kasunod nang pagkakasilat ng tropang gobyerno sa planong paghahasik ng karahasan ng teroristang grupo  sa naganap na engkuwentro sa Brgy.Upper Bala, Magsaysay, Davao del Sur  nitong Miyerkules ng tanghali.

Ayon kay  Major Ezra Balagtey, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command dakong alas-11:30 ng tanghali nang magresponde ang mga elemento ng Army’s 39th Infantry Battalion (IB) matapos na ireport ng mga sibilyang residente  ang isinasagawang pagpupulong ng mga armadong NPA at ng  mga kasapi ng Milisyang Bayan sa kagubatan ng nasabing lugar.

Ayon kay Balagtey paparating pa lamang ang tropa ng militar sa naturang barangay nang salubungin   ng bala ng tinatayang nasa 30 mga  armadong terorista na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng  isang oras na ikinasawi ng dalawang NPA terrorists fighters  na kapwa inaalam pa ang pagkakakilanlan na inabandona ng mga nagsitakas nilang mga kasamahan at pagkakarekober ng dalawang M16 rifles.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng tropa ng militar sa nangyaring engkuwentro.

Samantalang natukoy naman ang mga lider ng NPA na sina  Norma Capuyan alyas Ka Libra, Dave Verano alyas Ka  Borjack at Eusebio Cranzo alyas Ka Brix.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with