^

Probinsiya

Kagawad na kumakandidatong chairman timbog sa drug buy bust

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nasakote sa isang drug buy bust operation ng pulisya ang isang nakaupong barangay kagawad na kumakandidatong chairman sa darating na May 14 elections sa Barangay Rizal, Santiago City, Isabela.

Kinilala ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Mario Espino ang suspek na si Eugenio De Leon, 53, kagawad ng Barangay Mabini.

Nasamsam kay De Leon ang dalawang malaking heat sealed plastic sachets ng shabu at ang P5,000 entrapment money na tinanggap niya sa isang police poseur-buyer.

Nabatid na si De Leon ay kabilang sa listahan ng High Value Target ng pulisya at pinaniniwalaang may koneksiyon sa isang malaking sindikato ng droga sa Maynila na nagsu-supply ng shabu sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

vuukle comment

DRUG BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with