Trader kritikal sa ratrat ng tandem
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  — Nasa malubhang kalagayan ngayon sa pagamutan ang isang 36-anyos na negosyante matapos siyang ratratin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang traysikel sa Barangay Jordan, Sinait, Ilocos Sur noong Sabado.  Sa report na ipinalabas ni Chief Insp. Winnie De Vera, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP, pauwi na si Maricel Ilar dala ang mga paninda niyang RTW nang ratratin siya ng mga hindi natukoy na suspek dakong alas-11:40 ng gabi.

Unang isinugod ng mga sumaklolo si Ilar sa isang pribadong hospital sa Sinait subalit kalaunan ay inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte dahil sa maselan niyang kalagayan. Nabatid na wala sa drugs watchlist ng pulisya ang biktima habang inaalam pa rin ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril.

NEGOSYANTE RIDING-IN-TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with