^

Probinsiya

Bike vs trak: Dalagang backrider, pisak

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang backrider na 26-anyos na dalaga matapos siyang magulungan at mapisak ng isang trak na nakasalpukan makaraang mahulog mula sa pagkakaangkas sa motorsiklong sinasakyan naganap sa kahabaan ng Governors Drive Brgy. Bancal Carmona Cavite.

Kinilala ang biktimang nagkaluray-luray ang katawan na si Cindy Alvarez, residente ng Blk.3 Lot 2 Zone 1 AFP Housing Brgy. Bulihan, Silang, Cavite habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang sugatang driver ng motorsiklo na si Richard E. Fortunado, nasa hustong gulang, residente din ng nasabing lugar.

Hawak naman ng pulis­ya ang driver ng truck na nakilalang si Demetrio Pendejeto, 45-anyos, may asawa, residente ng Brgy. Bigti, Norzagaray, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng umaga, habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada nang bigla umanong huminto ang nasa harapan nilang Toyota Vios at dahil sa may kabilisan ang kanilang takbo ay hindi agad nakapagpreno si Fortunado imbes ay ikinabig nito ang manibela pakaliwa kung saan paparating naman ang trak sa kabilang linya.

Dito ay sumalpok ang motorsiklo sa trak dahilan upang mahulog ang dalaga sa pagkakaangkas at tuluyang magulungan.

Napisak ang biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

BACKRIDER

DEAD-ON-THE-SPOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with