Kakandidatong congressman sa Kalinga inutas ng kaaway
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Bumulagta ang isang tatakbong congressman sa lalawigan ng Kalinga matapos siyang ratratin ng kanyang kaaway sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Laya East, Tabuk City, Kalinga noong Martes.?

Patay na nang duma­ting sa Kalinga Provincial Hospital ang biktimang si Jeffrey Ludan dahil sa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa report na nakarating kay Supt. Francisco Bulwayan Jr., hepe ng Tabuk City Police. ?

Ang suspek na si Randy Pacas, 49, ay ino­­obserbahan sa parehong hospital matapos martilyuhin naman sa ulo ni Ludan.?

Sinasabing sinugod ni Pacas si Ludan dahil sa mga pag-atake sa kanya ng huli sa social media (Facebook).?

Ayon sa mga saksi, pinagbabaril ni Pacas si Ludan matapos siyang pagpupukpukin ng martilyo.?Nagawa umanong ratratin ni Pacas si Ludan bago mawalan ng ulirat.

Nakuha sa crime scene ang cal.45 baril na pinang-utas sa biktima. ?

Naunang idineklara ni Ludan sa Facebook ang plano nitong kumandidato at hiningi pa ang basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinangakuan niyang tutulungan sa kampanya laban sa droga.

CONGRESSMAN INUTAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with