^

Probinsiya

Bangka lumubog: 14 katao nasagip

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bangka lumubog: 14 katao nasagip
Ayon kay Supt. Imelda To­lentino, Spokesperon ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Police, nangyari ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga.
Philippine Coast Guard photo

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga otoridad ang labing-apat na katao na kinabibilangan ng 10 turistang dayuhan at apat na tripulante makaraang aksidenteng lumubog ang sinasakyang bangka ng mga ito sa karagatang malapit sa Hidden Beach Matinloc Island, El Nido, Palawan kamakalawa.

Ayon kay Supt. Imelda To­lentino, Spokesperon ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Police, nangyari ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga.

Base sa impormasyong  ipinarating sa El Nido Municipal Police Station ng Philippine Coast Guard – El Nido,  ang bangkang de motor na “Tameboy” ay nagsasagawa ng island hopping lulan ang sampung turista nang mangyari ang insidente.

Gayunman, habang papalapit ito sa Hidden Beach Matinloc Island, El Nido, Palawan ay biglang naputol ang anchor line ng bangka na halos nawasak sa insidente bunsod upang matangay ito ng mala­lakas na alon at lumubog sa bahagi ng nasabing karagatan.

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng PCG- El Nido at nasagip ang mga biktima bago pa man may malunod sa mga ito.

Kinilala ni Tolentino ang mga nasagip na dayuhan na sina Vanessa Baretti, 31, Brazilian; Nathalia Ramos, 35, Portuguese; Sara Sgroi, 26, Australian; Bryce Daniel Mc Carthy, 29, Australian; Christian Abhavaratna, 24, Australian; Gustavo Yuki Tibana, 25; Brazilian; Fabiana de Oliveira, 35 , Brazilian; Alessandra Jore, 30, Brazilian; Pedro Luiz Paulo, 27, Brazilian at Aman Jun, 26 , isang Australian.

Ang apat na nasagip na tripulante ay nakilala namang sina Jessie Ebajon, Boat Captain, 22; Jovily Cañete, 57; John Cris Carmaran,15 at Jue Cortez, 18; pawang residente ng Brgy. Corong-Corong, El Nido ng lalawigan.

Pansamantala namang kinansela ang paga-island ho­pping sa  Hidden Beach bunga ng malakas na alon at upang maiwasan ang sinapit ng mga biktima.

vuukle comment

EL NIDO

PALAWAN

BEACH MATINLOC ISLAND

TURISTANG DAYUHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with