Salpukan sa TPLEX: 4 patay, 7 sugatan
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat katao ang patay habang pito pa ang malubhang nasugatan matapos na sumalpok ang isang kotse sa steel barrier at nadamay ang isa pang sasakyan habang bumabagtas sa kahabaan ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Ramos, Tarlac kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi sa aksidente na sina Eugenio Roque, Herminigildo Roque, Cindy Enrique at Ayana Ranya Enrique.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng pito pang nasugatan na dinala sa pinakamalapit na ospital sa Tarlac.

Sa paunang imbes­tigasyon ng pulisya, nabatid na nagmula sa norte ang Toyota Innova na sinasakyan ng mga biktima nang mawalan umano ng kontrol ang driver sa manibela hanggang sa sumalpok ito sa railings. Dahil sa lakas ng impact, nagpaikut-ikot ang sasakyan hanggang sa mabangga nito ang humahagibis na Mitsubishi Montero.

Sinasabing dalawa sa sakay ng Innova habang lima sa Montero ang mga nasugatan sa nasabing road mishap.

Habang sinusulat ang ulat na ito, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with