^

Probinsiya

Sekyu dedo sa bar shooting

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang security guard, habang tatlo pa ang na­sugatan kabilang ang isang mag-asawang Aleman makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa parking lot ng isang bar na sinasabing pag-aari ng isa na nasa drug list ni Pangulong Duterte na si Peter Lim, sa kahabaan ng Archbishop Reyes Avenue, Cebu City nitong Sabado ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Cebu City Police, kinilala ang nasawing guwardiya na si Wilson Abucay habang sugatan naman ang isa pa nitong kasamahang sekyu na si George Lambating.

Sugatan din ang mag-asawang Aleman na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa parking lot ng Infinity KTV Bar and Music Lounge.

Kasalukuyang igina-guide ni Abucay sa exit area ng parking lot ang isang behikulo nang biglang sumulpot ang mga armadong lalaki at bigla na lamang mamaril saka mabilis na tumakas .

Nagkataon namang napadaan sa lugar ang mag-asawang Aleman kaya nasugatan din sa insidente.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with