^

Probinsiya

Parak, 4 pa sugatan sa Granada

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Magkasunod na sumabog ang dalawang granada sa Barangay Borongotan, Upi, Maguindanao, kamakalawa ng gabi.  Sa report ng Upi PNP, unang sumabog ang isang granada, pasado alas-7:00 ng gabi sa Borongotan Elementary School na nagresulta sa pagkakasugat ng apat na mga sibilyan. 

Gayunman, slightly wounded lamang ang mga naturang biktima na hindi na kinilala sa report.  Nabatid na maraming tao sa naturang lugar dahil may nagaganap na basketball game nang mangyari ang pagsabog. 

Samantala, agad namang rumesponde ang mga elemento ng Upi PNP ngunit habang patungo sila sa lugar ay isa pang granada ang sumabog sa tabing daan dahilan para tamaan si PO1 Marjun Lahaylahay, 28-anyos ng Nuro, Upi.   Si Lahaylahay ay nagtamo ng tama ng shrapnel sa mukha dahilan para agad siyang isugod sa pagamutan. 

Ayon sa mga lokal na opisyal, hanggang ngayon ay patuloy pa nilang inaalam kung sino ang responsable sa naturang pagpapasabog at kung ano ang motibo ng mga ito.  Sa ngayon iginiit ni Piang na kailangang maging alerto ang kanilang mga mamamayan sa lahat ng pagkakataon at mahalagang huwag magpatalo sa mga masasamang-loob. Panawagan ng otoridad sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad upang maiwasan ang anumang karahasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with