^

Probinsiya

P2.56-B droga nilusaw sa Cavite

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P2.56-B droga nilusaw sa Cavite

Pinangunahan nila PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino at Det. Supt. Richard Standford ng Australian Federal Police ang pagwasak sa P2.56-bilyong halaga ng iligal na droga na nakumpiska sa serye ng operasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa isinagawang ‘destruction ceremony’ kahapon sa Trece Martirez City, Cavite. Kuha ni Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa P2.56-bilyong halaga ng iligal na droga na nakumpiska sa serye ng operasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang ‘ceremonial destruction’ sa lalawigan ng Cavite nitong Biyernes.

Sa pangunguna ni PDEA Director General Aaron Aquino, winasak sa nasabing ‘destruction cere­mony’ ang P2,560, 028,001.60 na kabuuang halaga ng illegal drugs sa Integrated Waste Management Inc sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite.

Una nang ipinag-utos ng korte sa PDEA ang pagwasak sa mga nakumpiskang iligal na droga matapos na maiprisinta sa korte bilang ebidensya laban sa mga drug lords at iba pang drug personality na nililitis sa kaso.

Ang mga nilusaw na droga ay binubuo ng sari-saring mga ebidensya na kinabibilangan ng metamphetamine hydrochloride o shabu, marijuana, ephedrine, cocaine, toluene, chloromethamphetamine hydrochloride, at mga  expired na gamot na winasak sa pamamagitan ng thermal decomposition.

Nabatid na ito ang ikaapat na beses na nagsagawa ng paglusaw sa mga ebidensyang droga simula nang manungkulan sa puwesto si Aquino may anim na buwan na ang nakalilipas kung saan ay aabot na sa P9.4 bilyong halaga ng iligal na droga ang winasak ng PDEA.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with