^

Probinsiya

2 sundalo sugatan vs NPA

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dalawang sundalo ang naiulat na nasugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at ng New People’s Army o NPA sa Brgy. Manobo sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Civil Military Officer Capt. Randy Llunar ng 901st Brigade, Philippine Army.  Nangyari ang engkwentro makaraang mag-report ang informant hinggil sa presensiya ng mga NPA sa lugar.

Dahil dito, agad na nagkasa ng focused military operation alas-10:30 ng umaga nitong Huwebes ang kasapi ng 19th Infantry Battalion kung saan naka-engkwentro nila ang di mabilang na mga NPA.

Tumagal ng isang oras at dalawampung minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang sundalo.  Posible namang may nasugatan din sa panig ng kalaban dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with