^

Probinsiya

13 patay, 109 sakote sa OTBT

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
13 patay, 109 sakote sa OTBT

Sinisiyasat ng SOCO team ang dalawa sa labingtatlong bumulagtang mga drug suspect matapos manlaban sa mga otoridad sa ikinasang 24-oras na One Time Big Time ops sa lalawigan ng Bulacan nitong nagdaang gabi ng  Martes hanggang hatinggabi ng Miyerkules. Kuha ni Boy S. Cruz

MANILA, Philippines — Labingtatlong katao na pinaghihinalaang mga notor­yus na tulak ng droga ang bumulagta habang 109 pa ang swak sa kulungan sa isinagawang 24-oras na One Time Big Time drug operation ng mga otoridad sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Bulacan Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr. ang operasyon ay nagsimula ng alas-12:00 ng hatinggabi nitong Marso 20 hanggang alas-11:59 ng gabi nitong Marso 21.

Kinilala ni Caramat ang mga tumumbang suspek na sina Limwell Verna­les; France Cortez; Mario ­Alegre alyas “Bongbong”; Emmanuel Manicad alyas “Boy Manicad”; siyam pa na kinilala lang sa mga alyas na “Joey”, “Joel”, “Pakyaw”, “Joy-One”, “Ode”, “Elmer”, “Pakdon”, “Aye” at isa pa na inaalam ang pagkakakilanlan.

Inihayag ni Caramat na sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek na nauwi sa shootout na sila nilang ikinasawi.

Ayon kay Caramat, nagsagawa ang kanyang mga tauhan mula sa 24 himpilan ng pulisya sa Bulacan ng 57 buy-bust operations sa ilalim ng inisyung search warrant ng korte  kung saan kabilang din sa operasyon ang Provincial Mobile Force Company at Provincial Intelligence Branch.

 Nakumpiska sa operas­yon ang 305 piraso ng plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 101,2803 gramo, 59 piraso ng plastic sachet ng marijuana na tumitimbang ng 670.745 gramo at mga drug paraphernalia.

Nasamsam din sa ­operasyon ang 18 mga armas at sari-saring mga bala. Boy S. Cruz

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with