^

Probinsiya

Grade 11 stude nag-suicide sa iskul

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinaniniwalaang may dinadalang mabigat na suliranin ang isang grade 11 na dalagita kung kaya’t nagpasiya na lamang itong magpatiwakal makaraang lumundag mula sa ika-apat na palapag ng paaralang pinapasukan nito sa Barangay Caritan Centro sa lungsod na ito kamakalawa. ?

Sa report na nakarating kay Supt. Edward Guzman, hepe ng PNP Tuguegarao City,  sinabihan pa ng biktimang 17-anyos na si Jenifer Legajet na lumayo ang nagtangkang pumigil na sekyu dahil wala naman itong maitutulong sa kanyang problema bago ito tumalon. 

Nagsisigawan at nag-iiyakan ang mga kamag-aral ni Legajet na nakasaksi sa pagpapatiwakal nito dakong alas-9:30 ng umaga. ?Isinugod si Legajet sa Cagayan Valley Medical Center kung saan ito binawian ng buhay dakong alas-8:00 ng gabi. ?Palaisipan pa rin sa mga imbestigador ang dahilan ng biktima sa pagpapakamatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with