^

Probinsiya

Bus nag-dive sa bangin: 19 patay, 21 sugatan

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Bus nag-dive sa bangin: 19 patay, 21 sugatan
Nagtulung-tulong ang mga rescuers at volunteers na maiahon ang mga pasahero ng isang pampasaherong bus na nahulog sa malalim na bangin na ikinasawi ng 19 katao at ikinasugat ng 21 iba pa kamakalawa ng gabi sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro.
(PDRRMO, Occidental Mindoro via AP)

MANILA, Philippines — Patay ang 19 katao ka­bilang ang driver at kon­duktor habang 21 pang pasahero ang ma­lubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa matarik na bangin ang kanilang sinasakyan na pampasaherong bus sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Supt. Imel­da Tolentino, spokes­person ng Police Re­­­gional Office IV B (Min­doro, Marinduque, Romblon at Palawan). 

Kinilala ang mga na­sawi na sina Arno Pa­nganiban, driver ng bus; Marciano Ramos, Teresita Dupagan, Elizabeth dela Cruz, Virginia Ramos, Erwin Ebienga, Lolita Bayle, Lea Borlado, Anselma Gomez, Gilbert Vanguargia Jr., Robert Jose, Gloria Gabuco, Rudy Bacano, at anim na iba pa kabilang ang isang matandang babae gayundin ang konduktor ng bus na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Nabatid na 15 sa mga biktima ay bangkay na nang makuha sa tinata­yang 15-20 metrong lalim ng ba­ngin habang ang iba pa ay binawian ng buhay sa ospital. Nilalapatan naman ng lunas ang mga nasugatan sa San Sebastian District Hospital sa Sablayan at provincial hospital sa Mamburao.

Sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng gabi habang bumabagtas ang Dimple Star bus (TYU-708) sa Patrik Bridge sa hangganan ng Brgy. Batong Buhay at Brgy. San Agustin, Sablayan ng lalawigan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Panga­niban bunsod upang bu­mangga sa kanang bahagi ng barandilya sa tulay ang behikulo hanggang sa mabilis na nahulog sa bangin.

Galing ang bus sa bayan ng San Jose at patungo sa Abra de Ilog nang mangyari ang trahedya. Zigzag umano ang kalsada sa lugar at ang tulay ay nasa isang patarik na bahagi.

Agad na nagresponde ang search and rescue team ng pulisya at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima saka iniahon rin sa lugar ang mga nasawi sa trahedya.

Dahil sa trahedya,  agad na sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw ang operasyon ng Dimple Star Bus company.

Ayon kay LTFRB  board member Atty. Aileen Lizada, 10 bus unit ng Dimple Star bus ang hindi pinapayagan ng ahensiya na makabiyahe dahil kasama ito sa franchise ng isa nilang unit na nasangkot sa aksidente.

vuukle comment

AKSIDENTE

PAMPASAHERONG BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with