^

Probinsiya

Titser nakatakas sa Abu kidnappers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagawang makatakas ng isang baba­eng guro mula sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na dumukot sa kanya sa kagubatan ng Patikul, Sulu nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Sr. Ins­pec­tor Jemar delos Santos, Spokesman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Police ang nakatakas na bihag na si Sitti Doris Hamsirani, 45, biyuda, ng Sitio Palar, Gandasuli, Patikul, Sulu.

Ang biktima ay tinutukan ng baril at binihag ng mga armadong bandido sa bisinidad ng Sitio Bakud Datan, Brgy. Timbangan sa Patikul nitong Marso 7 patungo sa kagubatan ng Sulu.

 Sinabi ni delos Santos na naispatan ng mga residente ang bihag habang hinihingal sa ma­tinding pagod na nagla­lakad sa kagubatan ng Sitio Putih, Brgy. Liang ng bayang ito dakong alas-9:30 ng umaga kamakalawa.

Agad namang nag­responde ang mga ope­ratiba ng pulisya sa ilalim ng superbisyon ni Sr. Supt. Pablo Labra III, Provincial Director ng Sulu Police at ligtas na narekober ang bihag.

 Ayon naman kay Chief Supt. Graciano Mijares, regional director ng ARMM Police, nagawang makatakas ng bihag dahil sa pinaigting na opensiba ng tropa ng militar at mga elemento ng pulisya laban sa mga kidnappers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with