Rookie cop sa narco-list itinumba

Rhode­rick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  — Isang bagitong pulis na sinasabing nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di pa nakilalang mga gunmen sa Bula-Lanao Road, Brgy. Lagao, General Santos City sa South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si PO1 Glenn Alegarte, 24, na katatapos lamang umanong kumain ng kanyang panang­halian at pasakay na sa kanyang sasakyan nang paslangin ng suspek nitong Martes.

Ayon kay Chief Insp. Peter Pinalgan Jr., hepe ng Police Station 3, ang biktima ay dinestino sa Camp Crame makaraang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal na droga. Siya ay nagbakasyon lamang sa lungsod at dumalo sa isang hearing ng kaso.

Ayon sa mga saksi, apat na kalalakihan ang nakita sa sasak­yan ni Alegarte, bago siya pinagbabaril. Joy Cantos

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with