^

Probinsiya

3 ‘killers’ kinasuhan sa Abra bombing

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  — Tatlong diumano’y hired killers ang sinampahan kahapon ng kasong kriminal kaugnay sa grenade attack sa kapis­tahan ng La Paz, Abra na ikinasugat ng congressman, mayor at 12 iba pa at pagkamatay ng dalawang pulis noong nakaraang Enero 25.? Sinabi ni Cordillera Police Director Chief Supt. Edward Carranza na dalawa sa mga suspek na sina Joel Balucas at Roel Escalante ay nakapiyansa sa kasong frustrated murder na isinampa ng pulisya. Ang ikatlong kinasuhan na si Eljay Biyang ay nakalalaya pa rin gaya ni Balucas at Escalante dagdag ni Caranzza.?

Matatandaan na sugatan sina Congressman Joseph Bernos, misis nitong si La Paz Mayor Menchie Bernos at 12 pang katao habang namatay sina PO3 Carlos Bocaig at PO2 Frenzel Kitoyan nang pasabugan ng mga suspek ang kinalalagyan nilang entablado habang pinanonood ang fireworks display ng kapistahan ng bayan noong Enero 25.? Pulitika ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng pulisya sa nangyaring krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with