Pulis-Cebu tiklo sa pangingikil
MANILA, Philippines – Isang pulis ng Cebu City ang nasakote dahil sa pangingikil sa isang naarestong drug suspek.
Nadakip sa entrapment operation si PO3 Ritchie Camporedondo Saquilabon ng Cebu City Police Office nitong Lunes sa panulukan ng Sangcianko at Junquera sa lungsod ng Cebu.
Nalaman ang kalokohan ni Saquilabon matapos may mag sumbong sa kaniya sa PNP Counter-Intelligence Task Force sa Camp Crame.
Hiningian umano ni Saquilabon ang drug suspect na si Richie Labus ng P20,000 kapalit ng pag-aatras ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.
Kaagad hinuli si Saquilabon pagkatanggap niya ng marked money.
- Latest